MENA

HISTORY OF MENA
By: Ar. Jhin Tabuzo, Jr.

Picture

 Sinimulan ang pagtatag ng MENA noong taong 2011 at ito ay dumaan sa masusing paguusap at pagaaral upang ito ay magkaroon ng katapuran, sa tulong at gabay ni Arch. Gigi ng District A4 ang MENA ay nabuo at nagkaroon ng Board Resolution from UAP National Executive Board noong taong 2012 pagkatapos ng mahabang pagaaral , kung kayat ang MENA ay nakaakibat sa District A4 sa kadahilanang sila ang ang namuno at nagbigay daan upang ang MENA Council ay mabuo, kung kayat walang By-Laws ang MENA Region kung hindi isang Board Resolution lamang, ang By-Laws na sinusunod natin ay iisa lamang at ito ay ang By-Laws ng UAP National, kung kayat para sabihin na ang MENA ay dapat na magkaroon ay isang maling pananaw, hindi maaring gumawa ang kahit sino mang UAP chapter or region sa kadahilanan tayo ay iisang Organisasyon lamang ang UAP, ang UAP MENA ay isang ordinaryo or chapter lamang ng UAP ngunit ginawa itong MENA Region upang magkaroon ng isang pagkakakilanlan na tayo ay mula sa Gitnang Silangan, ang MENA ay mayroong mga sariling opisyales na pinamuunuan ni Arch. Leo Cefre bilang Chairman sa taong kasalukuyan….ang MENA ay hindi nabuo sa isang iglap lamang ito ay inabot ng halos higit 3 taon , mga paguusap, diskusyon at pagbibigay ng hustisya at mga sapat na dahilan upang ipakita at ipaalam sa UAP Executive Board noon na kailangan nang magkaroon na ng isang MENA …kung kayat ang mga kasalukuyang opisyales ng MENA ay ang mga taong nagbigay daan at nagbigay ng panahon upang ang MENA ay mabuo…ang aking pagpapaliwang na ito ay upang ipaalam sa mga bagong opisyales at mga bagong Arkitekto ng mga chapters ng MENA ang tunay na nangyari sa pagkakabuo ng MENA….”it takes a lot of understanding, patience, numerous follow ups, organizational knowledge, position papers, right understanding of the UAP structures/procedures and right people to get an advice to be able to get an approval from the UAP National Executive Board during that time”.

Ano mang IRR, or kahit anong panuntunan or guidelines na gagawin ng UAP MENA ay dapat munang pagusapan ng mga MENA Chapters sa pamamagitan ng mga consultations or “summits” at magkaroon ng kasunduan or isang pinag sang ayunan ng lahat… at ito ay kailangan pang ibigay at isubmit sa UAP District A4 thru its District A4 Director, upang sya ang magsubmit for recommendation and approval ng UAP Executive Board…. kung kayat ang bagay na ito ay kailangan pa ng mahabang usapin, kung kayat ang partisipasyon ng lahat ng UAP MENA chapters ay kailangan upang tayo sa MENA ay maging isang matatag na UAP, at magkaroon ng pagkakaunawaan at pagtutulungan hindi lamang bilang isang miyembro ng UAP, bagkus bilang isang Arkitekto sa hanay ng pagbibigay kaalaman at inpormasyon ng hanapbuhay, job openings at kaalaman sa bawat region ng MENA, sa kasalukuyan lahat tayo ay may isang “common denominator” yun ay bilang isang OFW Architect, At ang pagsapi at pagiging miyembro ng UAP MENA ay magbibigay sa atin ng daan at kaalaman sa napakaraming bagay sa hanay ng ating propesyon dito sa Gitnang Silangan.

Nawa’y ating suportahan ang kasalukuyang Chairman ng MENA na si Ar.Leo Cefre sa kanyang walang sawang pagtataguyod sa MENA, bigyan natin sya ng buong tiwala at paggabay sa mga hakbangin ng MENA, napakalayo na ng kanyang kaalaman kasama si Ar. Rico Blevens Ado ng Abu Dhabi, Ar. Asiddin K. Arabain Uap ng Riyadh,  Ar. Jun A. Perez,  Ar. Nelson L. Inovejas, Ar. Eldrid Refil, Ar. Mario Macaranas at Ar. Arny V. Lana at iba pa na naging halili at nagbigay ng panahon para mabuo ang MENA….Mabuhay ang lahat ng OFW Architects sa gitnang silangan!….Mabuhay ang MENA!

Visit   http://uap-menacouncil.weebly.com/

2017 United Architects of The Philippines Dubai, Committee on Information and Media Affairs